Bianca Umali, usap-usapan

Napag-uusapan ngayon ang aktres na si Bianca Umali sa umano’y ginawa nitong pagpapalit ng relihiyon in favor of his boyfriend na si Ruru Madrid matapos ang interview sa binata kung saan sinabi niyang inaral ni Bianca ang relihiyong kinabibilangan ng aktor and later on ay tuluyan na itong nagpa-convert.

Maraming mga comments ang bumuhos sa ginawang ito ng dalaga at kung may ilan na pumupuri sa dalaga, marami rin ang naging bashers niya na ang ilan ay nagsasabing kawawa umano si Bianca kung sakaling maghiwalay sila ni Ruru.

May ilan namang nagsabing dapat ipagdasal na sana ay mas tumatag pa ang pagtitingnan nila habang ang ilan naman ay nagsasabing may kalayaan at karapatan si Bianca na umanib sa kahit anong relihiyon na gusto n’ya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial