2 bangkay itinapon sa national highway

September 11, 2022

Nakatali ang mga paa’t kamay at tadtad ng mga tama ng bala sa kani-kanilang mga katawan nang matagpuan ang dalawang lalaki na basta na lamang umanong itinapon sa gilid ng isang national highway Maguindanao nitong Biyernes.

Kinilala ang mga biktimang sina Norodin Manalaguia Buisan, 29, at Bila Labaya Datu Maidto,21, pawang mga residente ng Kabacan Cotabato.

Sa ulat ng Datu Montawal Police Station, ay umaga nang natagpuan ang mga biktima sa gilid ng national highway sa Brgy. Bulit Datu Montawal Maguindanao.

Base sa salaysay ng mga residente sa lugar ay wala naman umano silang narinig na kakaibang ingay gabi hanggang madaling araw bago matagpuan ang mga bangkay, kaya’t posible na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima sa itinapon lamang sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente, inalaam kung sino ang nasa likod nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial