15 menor de edad nasagip sa cybersex den

September 11, 2022

Nasa 15 na mga kabataan ang nasagip mula sa online sexual abuse and exploitation ng mga tauhan ng Philippine National Police katuwang ang Department of Interior and Local Government sa isinagawang entrapment operation nitong Biyernes sa Sampaloc, Manila.

Nasa edad 13 pababa ang karamihang nasagip, habang dalawa namang umano’y mga sex traffickers dinakip.

“These kinds of crimes are very disturbing, and the worst of its kind as they target and victimize innocent children,” ayon kayi DILG Secretary Benhur Abalos sa isang pahayag.

Samantala, dalawang estudyante ring may edad 13 at 16 sa Caloocan ang nasagip ng mga awtoridad mula sa cybersex exploitation kung saan sangkot mismo ang kanilang mga magulang at maging kapitbahay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial