Zeinab Harake, thankful sa kapatid

September 10, 2022

Malaki ang pasasalamat ng social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang kapatid na si Rana dahil ito ang naging karamay niya noong nakikipaglaban siya sa problema at iba’t ibang hamon ng buhay.

Aminado ang vlogger na marami siyang mga pinagdaanan sa kanyang buhay at ang kanyang kapatid umano ang nakatulong sa kanya na makabangon at maka-move on sa mga kanegahang nangyari sa kanyang buhay.

“Kasi noong mga panahong talagang wala akong masandalan nandoon ako sa pinaka-darkest moment ng buhay ko… Siya lang ‘yung nagsasabi na ‘ate bangon, bangon. Hindi pa tapos. Ang dami pang mangyayari.’ So thank you,” saad ni Zeinab sa isang panayam.

“Kasi kung wala ang kapatid ko, wala ang team ko, hindi ko na alam kung nasaan ako. Sila ang nag-save sa akin para magampanan ko lagi at araw-araw na trabaho ko sa mga bata. Dahil sa kanila yon, dahil sa iyo ‘yon,” sabi pa niya.

Mariing sinabi ni Zeinab na ang kanyang mga anak, lalo na si Bia, ang pinaghuhugutan niya ngayon ng lakas para ipagpatuloy ang laban ng buhay.

“Kasi nu’ng bata pa ako hindi ko naman talaga naranasan na buo ang pamilya ko. Sinabi ko talaga sa sarili ko nun na sana buo ang pamilya niya pero hindi ganun ang nangyari. Kaya ako kailangan ko lang gampanan na kahit hindi buo ang naibigay ko sa kanya ngayon, kailangan kong gampanan ‘yung araw-araw na kumpleto siya ng kaming dalawa lang, na okay kami, na masaya kami na kaming dalawa lang, okay na ‘yon,” saad ng dalaga.

At kahit na raw nabigo siya sa pag-ibig at sa kabila ng masasaklap na pangyayaring pinagdaanan niya, happy pa rin at super thankful pa rin siya dahil patuloy ang pagdating ng blessing sa buhay niya.
Hindi man sinuwerte sa pakikipagrelasyon, naniniwala pa rin si Zeinab sa happy ending.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial