Cloe Barreto, relate sa role

September 10, 2022

Sa offering ng Vivamax na “#DoUThinkIAmSexy”, aminado ang isa sa mga bidang si Cloe Barreto na nakakarelate siya sa kanyang role na ginampanan sa pelikula na isang camgirl na breadwinner ng pamilya.

Natanong ang dalaga kung hanggang saan ang pagbibigay niya ng sustento sa pamilya lalo na kung masyadong demanding na halos wala ng matira sa sarili.

“Ako po kasi sobrang mapagbigay sa magulang ko, sobrang mahal ko ang nanay ko kaya kahit alam kong sumusobra na, kasi para sa kanila rin naman itong lahat ng ginagawa ko,” sabi ni Cloe.

“Nangako rin po kasi ako na hangga’t nabubuhay ako hindi ko ipararanas sa kanila (mga kapatid) ang naranasan namin before kaya kahit alam kong sobra na wala akong pakialam. Hangga’t kaya kong magbigay, magbibigay ako. Ganu’n ko po kamahal ang pamilya ko,” dagdag niya.

Samantala, parang biro na lang kina Cloe at Marco Gomez ang sex scenes nila sa pelikulang “#DoUThinkIAmSexy” dahil ikalawang beses na nila itong pagsasama. Una silang ni-launch aa pelikulang “Silab” noong 2021.

“Testing of friendship na ito,” sabi ni Marco kasi nga nakita na niya ang buong katawan ni Cloe nang hubo’t hubad at wala nang malisya lalo’t iisa ang manager nila, ang 3:16 Events and Talent Management na pag-aari ni Len Carrillo.

Si Cloe rin, sinabing wala na ring malisya kapag nakikita ang kabuuan ni Marco at enjoy na enjoy nga siya sa karakter niya bilang camgirl sa bago nilang movie dahil sa ikalawang pagkakataon ay pinutol niya ang ari ng aktor sa kuwento na nauna niyang ginawa sa “Silab.”

“Enjoy nga po, e, kasi may dugo-dugo na naman, nage-enjoy ako kapag may mga dugo,” sabi ni Cloe.

Ang pagiging camgirl ang trabaho ni Cloe sa movie para matustusan ang pag-aaral niya at buhayin ang pamilya niyang siya lang ang inaasahan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial