Bar fight: 1 patay, 1 sugatan

September 10, 2022

Dead on arrival ang isang dental technician habang malubhang sugatan naman ang isa pa matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng isang bar sa Tabuk, Kalinga.

Sa ulat ng Tabuk Police Station ay alas – 2:00 pasado ng madaling araw nang maganap ang insidente sa isang bar sa Brgy. San Juan, Tabuk.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joegie Valera Cabicungan, 37, habang ang sugatan naman si Orland Dave Pascual, pawang dental technicians, at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Bago iyon ay masaya pa umanong nag-iinuman ang mga biktima sa nasabing bar nang lapitan sila sa kanilang lamesa ng hindi pa nakikilalang suspek at ilang sandali lamang ay bigla na lamang na bumunot ito ng baril at pinaulanan ng bala ang dalawa.

Matapos ang insidente ay agad ding tumakas ang suspek habang isinugod naman ang mga biktima sa pinaka malapit na pagamutan, ngunit hindi na pinalad pang mabuhay si Cabicubgan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring tinutugis ang suspek gayundin ang kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial