Rose Van Ginkle, nabiktima ng manyak

September 9, 2022

Inamin ng Vivamax bombshell na si Rose Van Ginkle na minsan sa kanyang buhay ay naranasan na niyang “mamanyak” sa totoong buhay.

Natanong ang dalaga sa mediacon ng bago nilang pelikula sa Vivamax na “5 in 1, Patay Kang Manyak Ka” na pinagbibidahan ng dating Hashtag member na si Wilbert Ross.

“As Lexie, ako ‘yung emo girl na girlfriend ni Wilbert. Loner ako, may pagka-suicidal kasi kulang ako sa pagmamahal ng family ko. But when I met Wilbert, naging positive effect niya sa akin. He made me realize na lahat naman, may pinagdaraanan, pero hindi tayo dapat magpakamatay just to solve our problems. Dapat maghanap ka ng paraang lutasin ang mga problema mo,” sabi ni Rose.

At dahil nga tungkol sa kamanyakan ng karakter ni Wilbert ang movie, natanong si Rose Van kung naranasan na ba nila ang mabiktima ng manyak.

“Yes, I’ve experienced it. Sa social media, when I see someone na binabastos, nagagalit ako. Pero kapag sa ‘yo na pala nangyari, sobrang kakabahan ka. Magba-blackout ka. Sa sobrang kaba ko, wala akong nagawa, kaya umalis na lang ako. It’s a very unpleasant experience,” sabi ni Rose.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial