Janella Salvador, thankful

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Janella Salvador sa kapwa aktres na si Maja Salvador dahil todo suporta si Maja kay Janella sa pagganap nito bilang si Valentina sa fantaserye ng ABS-CBN na Mars Ravelo’s Darna.

Ayon kay Janella, talagang noon pa lang ay botong-boto na sa kanya si Maja mula nang malaman nito na siya ang napipisil na gumanap as Valentina sa Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Sa nakaraang episode ng “Hotspot 2022”, naikuwento ng aktres na kay Maja niya unang sinabi na mag-o-audition siya para sa major-major kontrabida ni Darna.

“From the start pa lang, actually, audition ko pa lang nu’ng nag-read ako for the role, siya agad tinawagan ko. Siya ‘yung unang nakaalam na I’m gonna read for Valentina,” sabi ni Janella.

“Sobrang supportive siya tapos after ng audition nag-send pa ako ng picture, kasi kinakabahan ako tapos ‘yung push, push, push lang siya the whole time. She’s one of the most caring people I know,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, hanggang ngayon daw ay nagkakausap sila ng kanyang tiyahin at balak nga raw nilang magkita nang personal very soon.

“Nami-miss ko na siya. Ang tagal na naming hindi nagkikita pero sometimes nagkakamustahan pa rin kami but we plan to see each other soon,” saad ni Janella.

Huling nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN drama series na “The Killer Bride” na umere noong 2019.

Sa ngayon, umaani ng papuri si Janella bilang Valentina sa “Darna” lalo na nang nag-transform na siya bilang babaeng-ahas na siyang magiging mortal na kalaban ni Jane as the iconic Pinay superhero.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial