Hunter napagkamalang usa ng kasama, patay

September 9, 2022

Hunter, patay nang mapagkamalang usa ng kasama
Isang hunter na lalaki ang patay matapos na aksidenteng nabaril ng kanyang kapwa hunter nang mapagkamalang usa habang nangangaso sa Mt. Alibut-tung, Bokiawan, Kiangan, Ifugao, nitong Lunes.

Sa ulat ng Kaiangan Police, ay kinilala ang biktima na si Fredie Yogyog, 43, residente ng Sitio Ampugpug, Bokiawan, Kiangan, Ifugao habang ang kapitbahay at suspek naman ay nakilalang si Lester Tobiagon, 28.

Napag-alamang umakyat sa Mt. Alibut-tung noong Linggo ang dalawa para mangaso na nakatakda sanang umuwi kinabukasan, pauwi nalang sana ang dalawa nang may makita silang mga footprints ng usa kaya agad hinanap ito ng magkahiwalay.

Ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ay napansin ng suspek na may gumagalas sa mapuno at madamong lugar, at sa akalang ito na ang usa na kanilang hina-hunting ay mabilis niya itong pinaputukan.

Nang lapitan niya ito ay laking gulat na lamang niya na ang kasama niya na pala ang kanyang nabaril, dali-dali siyang humingi ng saklolo ngunit malamig nang bangkay ang biktima nang maibaba ito.

Kusa namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek at isinuko ang sarili.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial