Rhian Ramos, may ayaw sa lalaki

September 8, 2022

Nitong nag-guest ang aktres na si Rhian Ramos sa “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7, marami ang naging rebelasyon ng dalaga kaugnay sa kanyang showbiz career at personal life.

Sa nasabing programa, hindi inatrasan ni Rhian ang mga tanong at talagang sinagot niya ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko tungkol sa kanya at ang isa sa mga tanong na sinagot niya ay kung ano pinandidirihan niya sa lalaki.

“Ang totoo diyan, ayaw ko ng mahabang kuko,” sabi ni Rhian. “Matindi ‘yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na ‘yung purpose no’n. Tapos nai-imagine ko na lagi.”

Inihayag rin ng dalaga na mayroon siyang tattoo na scorpion sa hita.

“’Yung scorpion kasi may ibig sabihin ‘yun para sa Kalinga tribe na para bang deadly ka kapag meron kang scorpion. Gusto ko ‘yung vibe na ‘yon, gusto ko deadly ako,” sabi ni Rhian.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial