Lapillus, nag-enjoy sa Pilipinas

Mainit ang pagsalubong ng mga Pinoy sa bagong K-Pop group na Lapillus kung saan isa sa kanilang miyembro ay proud Filipina – si Chantal Videla na isang Filipino-Argentinian na dati ring Kapamilya actress.

Ayon sa mga ulat, ang Pilipinas ang naisip nilang unang bisitahin dahil na rin sa mga kuwento ni Chantal kanyang mga kagrupong sina Bessie (Korean), Seowon (Korean), Haeun (Korean), Shana (Japanese), at Yue (Chinese-American).

Nasa bansa ang grupo para sa overseas promo tour para sa single nilang “Hit Ya!”

“Hindi ako makapaniwala kasi two years na since bumalik ako dito so parang feeling ko nananaginip ako at ang sarap sa tainga pagdating namin sa airport Tagalog ‘yung naririnig ko. Super grateful ako and humbled kasi paglapag na paglapag namin dito ang aming mga fans ang positive nang pag-welcome sa amin,” sabi ni Chantal.

“The first reason we chose the Philippines is because we really know that we have a lot of Filipino fans supporting us,” ang pahayag naman ni Shana, ang leader ng grupo sa pamamagitan ng isang interpreter.

“In the dorm, we asked Chanty a lot about how the Philippines is and she said it’s a really warm country, a very energetic country. You can receive a lot of love from the fans,” dagdag pa niya.

Dumating sa bansa ang Lapillus nitong Sabado at mananatili sila rito sa loob ng dalawang linggo para sa promo ng kanilang single. Bukod sa mga presscon, magkakaroon din sila ng mga TV guestings at photoshoots.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial