Heart Evangelista, napaiyak sa shoot

September 8, 2022

Nagti-trending na naman ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista nitong nakaraan nang kumalat ang ilang larawan niya sa isang photoshoot sa Paris kung saan makikita na umiiyak ang asawa ni Senador Chiz Escudero.

Parang hindi talaga tinatantanan ng mga netizens na uriratin si Heart kaugnay sa kanyang personal na buhay matapos nitong umamin na may matindi siyang pinagdaraanan at kumakalat na rin ang balitang hiwalay na umano sila ng asawang senador.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng Kapuso star and style icon ang kanyang cover feature para sa L’Officiel Philippines.

Kasunod nito ang behind-the-scenes clips kung saan makikita nga ang kanyang pag-iyak habang naghahanda sa ginagawang photoshoot sa Paris.

Sa nasabing video, mariring ang pagtawa ng kanyang staff na siyang may hawak ng camera hanggang sa nahawa na rin sa kanya ang aktres at napatawa na rin habang tinatakpan ang mukha.

“It was a moment,” saad ni Heart sa kanyang IG post, at maririnig rin umano na sinabi ni Heart na “Charot.”

Sa sumunod niyang IG Stories, makikita na ang Kapuso actress na handang-handa na uli para sa pinuntahang pictorial.

At habang kinukunan at bini-video, ipinakita niya ang suot na bracelet sabay dialogue ng, “Napapagod na ko sa bigat ng alahas.”

Hindi naman nagdetalye si Heart kung ano ang naging dahilan ng pagiging emosyonal niya nu’ng mga oras na yun pero ang paniwala ng netizens, may kaugnayan nga ito sa hindi mamatay-matay na chikang hiwalay na ang mag-asawa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial