Carla Abellana, nanawagan

September 8, 2022

Iginiit ng aktres at self-proclaimed animal welfare advocate na si Carla Abellana na hindi makatarungan para gawing pulutan ang mga aso matapos ang pagsagip sa ilang mga aso na isinagawa ng Animal Kingdom Foundation (AKF) kamakailan.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Carla ang isang larawan ng isang aso na na-rescue ng AKF at doon niya inilahad ang kanyang saloobin kaugnay sa pang-aabuso sa mga asong hinuhuli, pinapatay at kinakain ng ilang mga Pinoy.

“ITIGIL NA ANG PAGHULI, PAGKATAY, PAGLUTO AT PAG KAIN NG MGA ASO! Iligal po ito at ito po ay isang KRIMEN,” sabi sa caption.

Mababasa sa ni-repost ni Carla ang nangyari kay Calvin na isa sa mga asong nasagip ng AKF sa isinagawang rescue mission ng grupo.

“Like in any other dog meat trade raid, there is always one or two dogs who are most critical. Today’s raid in Pampanga is no different. This is Calvin, estimated to be Four(4) or Five (5) months old only, one of the Six live dogs we rescued earlier today,” pagbabahagi ng nasabing organisasyon.

“Calvin suffered most, as seen in our photos. He was out of breath, soaking wet and overheating when taken out of the sack. He would have suffocated and died in the next few minutes if we came in a few minutes late. He was hooked up on IV and oxygen immediately and we are praying that he recovers. Imagine if Calvin was your beloved pet. How would you feel? Imagine his trauma, his pain and his suffering,” sabi pa ng grupo.

“Please, let us condemn this horrible act. We need you to help us bust these dog meat traders so no more Calvins will fall victims to these evil deeds,” ang huling bahagi ng post ni Carla.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial