Janelle Tee, iiwan na ang showbiz?

Nagulat ang ilang mga netizens sa umuugong na balita na nag-announce ang beauty queen-turned actress na si Janelle Tee na mananahimik muna siya sa social media kahit pa gumaganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

Ayon sa ilan, mukhang may matinding pinagdaraanan ngayon ang dalaga na isa raw sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang “magpaalam” sa kanyang fans at socmed followers.

Marami ngang nagtaka sa rebelasyon na ito ni Janelle dahil ang saya-saya pa niya sa virtual mediacon ng bago niyang movie sa Vivamax, ang “An/Na noong September 1.

“My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat,” ang pahayag ni Janelle sa kanyang social media post.

“I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out. I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now,” dagdag niya.

Naghihinala ang ilang mga netizens na mukhang may mental issues ang aktres sa kanyang pagpapaseksi na hanggang ngayon ay hindi raw matanggap ng kanyang pamilya.

May mga nagsasabi rin na iiwan din ng dalaga pansamantala ang showbiz.

“Very conservative ang aking pamilya. Mga probinsyana kami, payak ang pamumuhay. Sa ngayon, hindi pa nila gaanong maintindihan ang larangan na pinasok ko. I hope and pray someday na maunawaan po nila,” saad ng dalaga sa isang naunang panayam.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial