Jane de Leon, mahal na mahal si ‘Ding’

Parang tunay na kapatid na ang turing ng aktres na si Jane de Leon sa kanyang co-star sa Mars Ravelo’s Darna na si Zaijian Jaranilla kung saan gumaganap ang aktor na si Ding, ang kapatid ng karakter ni Jane na si Narda.

Sa isang panayam, nagbigay ng mensahe si Jane sa pamamagitan ng isang recorded video para sa pagdiriwang ng ika-21 kaarawan ni Zaijian.

“Hi Bunso! Gusto lang kitang batiin ng happy, happy birthday! Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita. Itinuturing na kita na parang isang tunay na kapatid. Lagi mong tatandaan na nandiyan lang ako lagi para sa iyo,” sabi ni Jane.

“Sobrang naging mahalaga ka at naging parte ka na ng buhay ko. Just enjoy. And please always love yourself and protect your heart,” dagdag pa niya.

Bukod kay Jane, bumati rin sa pamamagitan ng video message si Dominic Ochoa na kamakailan lang ay naging bahagi ng “Darna” bilang si Lindol Man.

Ito naman ang mensahe ni Zaijian para sa kanyang kaarawan, “Gusto ko lang na magtagal pa ako sa showbiz industry.

“‘Yon lang po ang wish ko para sa sarili ko para mapakita ko ang talento ko at maka-inspire ako ng ibang tao pa,” pahayag pa ng binata.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial