Isyu ni Heart Evangelista, lumalalim

September 7, 2022

Sa kabila ng mga ugong na kumakalat sa social media na baka may problema na ang pagsasama ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang asawang si Senador Chiz Escudero, heto at may napansin na naman ang ilang mga netizens.

Sa pinakabagong IG post ni Heart, napansin ng ilang mga netizens na hindi umano suot ni Heart ang wedding ring nila ng asawang si Chiz.

Base sa mga comments ng netizens sa mga bagong Instagram post ni Heart, parang hindi na nila nakikitang suot ni Heart ang kanyang wedding ring kaya naman gusto na nilang maniwala na totoong break na ang celebrity couple.

Kaya naman mas lalong nagdududa ang mga netizens ngayong hindi na masyadong nagpo-post sa Instagram si Heart ng tungkol sa kanilang mag-asawa.

Nauna rito, inamin nga ni Heart na marami siyang pinagdaraanan ngayon sa kanyang personal life.

“I’m not going to lie — I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind. I’m not going to deny, I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in a search of just being happy,” saad ni Heart sa kanyang vlog

“It’s about the simplest things in life that are very important and that really makes a person happy — that’s where I’m at now. I feel like at the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not rely on anyone that matters,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial