‘Ilegal’ na pagkakadakip sa NPS member, itinanggi

Mariing itinanggi ng Police Regional Office in the Caraga Region (PRO-13) ang akusasyon ng isang grupo na illegal na ang pagkakadakip kay Atheliana “Ka Atel” Hijos, na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakailan sa Butuan City.

Inaresto si Hijos ng PRO-13 intelligence operatives noong Agosto 30, 2022, sa Brgy. Kinabjangan, Nasipit, Agusan del Norte.

Ayon sa PRO-13, ay lehitimo ang operasyon laban kay Hijos na kabaligtaran sa pinapalabas ng grupo na Karapatan Caraga.

Dagdag pa ng PRO-13, si Hijos ang nasa ikaapat na most-wanted na rebeldeng NPA sa Caraga at mayroong standing arrest warrant na issue ng mga lokal na korte sa mga kasong murder at serious illegal detention.

Base rin sa tala ng pulisya, si Hijos ay kasama sa isang engkwentro ng tropa ng pamahalaan noong Nobyembre 20, 2019, sa Purok 2, Sitio Kalipayan, Brgy. Cuyago, Jabonga, Agusan del Norte na nagresulta sa pagpatay kay Corporal Mario P. Suson.

Kasabwat rin umano si Hijos sa kidnapping at serious illegal detention sa isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary ng Philippine Army noong Disyembre 29, 2018, sa Brgy. Kolambungan, Sibagat, Agusan del Sur.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial