Gr. 7 ginahasa ng ‘BF’

September 7, 2022

Huli sa akto ng mismong ama ng isang 13 anyos na dalagita ang ginagawa umanong kahalayan ng isang lalaking umano’y kasintahan ng kanyang anak sa Sta. Maria, Bulacan, nitong Lunes.

Sa ulat ng Sta. Maria Police at alas – 10:00 ng umaga nang mahuli ng mismong ama ng biktima ang suspek na itinago sa pangalang Rome (18) pawang residente ng Brgy. San Gabriel, sa akto na ginagawan ng kalaswaan ang noo’y natutulog niyang anak.

Agad namang napahinto ang suspek sa gulat ng makita ang ama ng biktima at nagising naman ito sa pagkakatulog.

Doon ay kinompronta ng ama ang biktima na umamin na may nakaraan nang nangyaring pagtatalik sa kanila ng suspek noong 27 July 2022.

Dahil doon at mabilis na humingi ng saklolo ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

At dahil nga menor de edad pa ang biktima at nasa hustong gulang na ang suspek sinampahan ito ng kaukulang kaso ng mga magulang ng umano’y ‘girlfriend’ niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial