MALAKING IMPORTASYON NG ASUKAL, ‘DI KAILANGAN

File photo

Iginiit ng isang grupo ng sugar producers sa bansa na hindi umano kailangan ng Pilipinas ng malaking importasyon ng asukal at ayon sa isang miyembro ng United Sugar Producers Federation, nag-umpisa na umano ang sugar milling sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Manuel Lamata ng United Sugar Producers Federation na mas maiging maging “cautious” sa pag-aangkat ng imported na asukal.

“Kasi it’s better to err in caution na angkat tayo muna kahit kalahati lang ng 300,000 metric tons na pinopropose ni dating Sugar Regulatory Administration head Manuel Serafica na mali, mali yun.

150,000 okay tayo doon kasi sobra-sobra na swapang yung mga retailer, trader. Sobra na yung 100,000,” sabi ni Lamata. “Pagpasok po ng 150 po sigurado bababa yan.”

“Malaki na po ang na-milling natin, by the end of this month po siguro rest assured mga 100,000 tons of raw sugar po, na-produce na,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sapat naman ang suplay ng tamban sa bansa kasunod ng pahayag ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) na may kakulangan sa suplay ng tamban na ginagamit sa pagproseso ng sardinas.

Sinabi ni CSAP executive director Francisco Buencamino na posibleng tumaas ang presyo ng sardinas kung kukulangin ng suplay.

Kumpara noong Enero, may ilang brand ng sardinas na ang nagtaas ng presyo na naglalaro sa 10 sentimos hanggang dalawang piso dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials noong mga nakaraang buwan.

Pero ayon sa BFAR, may sapat na suplay ng tamban sa bansa kaya wala silang nakikitang dahilan para itaas ang presyo ng sardinas.

Sa datos ng BFAR at Philippine Statistics Authority, nasa 222.58 percent ang sufficiency level ng ng tamban noong unang quarter ng taon, habang pumalo sa 409.06 percent ang sufficiency level noong ikalawang quarter ng 2022.

“Sa ngayon po kasi ayon sa official data ng ating pamahalaan, walang nakikitang kakulangan. Sufficient ang suplay ng tamban,” ayon kay Nazario Briguera, chief ng Information and Fisherfolk Coordination Unit ng BFAR.

Sinabi rin ng BFAR na may sapat na suplay ng tamban mula sa mga unang buwan ng taon para sa advance processing ng manufacturers para mapunan ang demand sa sardinas sa closed fishing season ng tamban mula Disyembre hanggang Marso.

Ayon sa CSAP, mas malapit sa pampang kadalasang makakukuha ng mga isdang tamban.

Sa ilalim ng Amended Fisheries Code, maaaring mangisda ang small and medium commercial fishing vessels 10.1 kilometers mula sa pampang kung may ordinansa ang munisipalidad na sakop nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial