Kathniel, nagpapasalamat sa fans

September 6, 2022

Nag-celebrate ng kanilang 11th anniversary ang showbiz couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang magka-loveteam at talagang nagpapasalamat ang dalawa sa mga blessings na nakukuha at suporta mula sa kanilang mga fans.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kathryn ng isang video clip nila ni Daniel kung saan pinasalamatan nga nila ang mga fans na mahigit isang dekada nang sumusuporta sa kanila.

“Happy 11th anniversary to the best fandom anyone could ever ask for! Thank you for the 11 wonderful years, KathNiels. Growing up with you is something that we’ll cherish forever, and reminiscing all the memories we’ve shared will always bring a smile to our faces,” simulang mensahe ni Kathryn.

“Still can’t believe how far we’ve come! We’ll work hard to continue making you proud. Maraming salamat. Mahal namin kayo! Kita kita tayo soon, okay?” sabi pa ng award-winning actress.

Nagsimula ang tambalang Kathryn-Daniel noong 2011 sa weekly youth-oriented series bg ABS-CBN na “Growing Up.” Noon pa lang ay very open na si DJ sa paghanga niya kay Kath hanggang sa ligawan na nga niya ito at maging girlfriend.

Ang ilan pa sa mga teleseryeng nagawa nila ay “Got to Believe,” “Pangako Sa ‘Yo” at “La Luna Sangre.” Nagbida rin sila sa mga blockbuster films na “She’s Dating the Gangster,” “Barcelona” at “The Hows of Us.”

Napapanood ngayon sina Kathryn at Daniel sa super hit series na “2 Good 2 Be True” every weeknights sa Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, TV5 at iWantTFC.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial