Janelle Tee, intelligent actress

Isa umano ang sexy actress na si Janelle Tee sa mga hinahangaan ng batikang direktor na si Joey Reyes dahil palaban umano ang aktres at wala itong inuurungan pagdating sa mga sizzling scenes sa pelikula.

Ayon pa sa direktor, malayo pa ang mararating ng sexy star at dating beauty queen sa showbiz industry dahil sa pagiging professional nito at taglay na talento sa pag-arte.

Muling nagkatrabaho sina Janelle at Direk Joey sa bagong Vivamax crime series na “An/Na” kung saan gumaganap ang aktres bilang si Anna Clemente. Una silang nagkasama sa Vivamax Original Movie na “Secrets.”

Sinabi ni Direk Joey na nakikita niya ang husay ni Janelle sa premyadong sexy actress na si Ana Capri at inilarawan pa niya ito bilang “thinking actress”.

“Ana Capri was not only sexy but she is qualified as a good actress, a very good actress. And I think what made Ana very different from the rest of her generation was that she was a thinking actress. In other words, she was not going to take off her clothes and then think that that is a performance. For her, she was using her body to express a character,” pahayag ni Direk Joey.

Sabi pa ng veteran filmnaker, hindi naman daw siguro mananalong Miss Earth si Janelle kung bobita ito.

“Nangangahulugan na she can do so much more than what is being ask from her now. And I really hope she will be given the opportunity to go beyond what she is doing now. I love Janelle. She will last because she can do so many things, she is versatille, from beauty queen to now, actress. She got what it takes,” saad ng direktor.

“Sa totoo lang, maraming talentless actors pero I will go for Janelle or even Rob (Guinto, na kasama rin sa ‘An/Na’) na masipag na aktres and willing to learn. Rob is more than just a body,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial