Heart Evangelista, trending na naman

Nagiging trending na naman ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista dahil nais umanong malaman ng mga netizens ang real score sa pagitan nila ng kanyang asawang si Senador Chiz Escudero.

Halos magkakasunod kasi ang mga hugot post ni Heart sa social media.

Nagsimulang mag-viral at mapasama sa trending topic sa socmed ang pangalan ng aktres nang tanggalin niya ang married name niyang Escudero at ibinalik ang maiden name pero nakalagay pa rin sa profile niya ang salitang “wife.”

Ayon sa haka-haka ay may malaking international project si Heart na kailangang maiden name niya ang gamitin sa social media para hindi malito ang mga tao.

Pero hindi naniniwala ang followers ng fashion icon dahil bakit may mga hugot posts siya at nagsabi pang meron talaga siyang pinagdaraanan.

Hindi ba dapat masaya siya kung wala talaga silang isyu ng kanyang asawa? Iyan ang tanong ng ilang mga netizens.

Sooner umano ay babasagin na ni Heart ang kanyang katahimikan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial