COVID-19 wards sa PGH, napupuno na

September 6, 2022

Napupuno na umano ang COVID-19 ward ng Philippine General Hospital (PGH), ayon sa dating adviser ng National Task Force Against COVID-19.

Sinabi ni Dr. Ted Herbosa – na dating NTF adviser at kasalukuyang professor of emergency medicine and trauma surgery sa UP-PGH — na ang nasa lima hanggang anim katao ang nagpopositibo sa COVID-19 test sa ospital araw-araw.

Samantalang umaabot naman sa 80 hanggang 90 bawat araw ang emergency patient.

“Napupuno din ‘yung aming COVID ward kasi kinontian na lang namin ‘yung aming COVID ward nu’ng bumaba ang mga kaso. Pero umpisa nang napupuno ito. So initially, may mga isa o dalawang naiiwan,” ayon kay Herbosa.

Pero sinabi ni Herbosa na karamihan sa COVID-19 cases ay hindi malubha ang kalagayan, lalo na ang mga may bakuna na pangontra sa virus.

“Pero ‘yung mga cases natin, hindi na masyadong serious, lalo na ‘yung mga nabakunahan. ‘Pag sila ay vaccinated, talagang malaki ang effect na mild lang ang kaso nila at nakakauwi agad sila from the hospital,” sabi ni Herbosa.

Pinayuhan ni Herbosa ang publiko na magsuot pa rin ng face masks at magpa-booster shots laban sa COVID-19.

“Marami kasi nakakita na parang hindi na serious ‘yung Omicron, ayaw na magpa-third dose or magpa-booster dose. Recommended pa rin namin na sana magpa-booster ‘yung hindi pa nagpapa booster, lalo na ‘yung 50 years old and above,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial