Coleen Garcia, tuloy sa pag-arte

Inamin ng aktor na si Billy Crawford na ipinauubaya na muna niya ang pag-arte sa kanyang asawang si Coleen Garcia dahil nais umano niyang mag-focus muna sa pagiging TV host lalo ngayong napapanood na naman siya sa GMA bilang host ng pinakabagong game show ng network, ang “The Wall Philippines”.

In fairness, talagang inabangan at tinutukan ng mga manonood ang pilot episode ng show kung saan unang naglaro ang rumored couple at bida ng seryeng “What We Could Be” na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na nanalo ng halos P2 million.

Ayon kay Billy, wala pa sa mga plano niya at ng Viva Artists Agency na nangangalaga sa kanyang career ang bumalik sa pag-arte.

Tinanong kasi namin siya kung posible ba silang gumawa ng teleserye o pelikula ni Coleen, “Ibigay na lang muna natin sa asawa ko ang acting, kasi siya naman talaga ang mas magaling diyan.”

Nais muna niyang karirin uli ang pagiging host kaya nga todo ang pasasalamat niya sa GMA at Viva Entertainment na siya ang napili para mag-host ng “The Wall Philippines.”

“I don’t mind, wala akong problema diyan, I have no problem at all pero for me mas gugustuhin kong ibigay na lang ang acting sa asawa ko kasi ‘yun yung puso niya e, nandoon sa acting. Ako I prefer to actually perform kaya singing, dancing, or even hosting kasi its like performing na rin kahit paano,” sabi ni Billy.

“Sa acting kasi huhugot ka pa ng emosyon, huhukay ka pa kung sinong patay, bubuhayin mo tapos papatayin mo ulit, so ayoko na ng stress na ganu’n. Kung comedy okay lang, sitcom walang problema, pero kapag drama or something like that medyo, mapapaisip na rin ako na parang ‘teka lang, wait lang a hindi ako John Lloyd e,’” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial