Anji Salvacion, sinuwerte

Matapos manalo bilang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” big winner ang TV personality na si Anji Salvacion, inamin ng dalaga na talagang nagbago ang kanyang buhay.

Kuwento ng dalaga, lumuwas pa galing Siargao si Anji para sumabak sa mga auditions at ayon sa kanya, kaya umano siya sumali ay para magkaroon ng way of communication kapag napanood siya ng kanyang Russian father na matagal na nilang hindi nakikita dahil nawawala raw ito at hindi naman sila inabandona.

Three hundred sixty degrees ang ikot sa buhay ni Anji dahil kaliwa’t kanan na ang kanyang guestings shows, recordings at workshops ay hindi na siya nakakauwi sa kanilang probinsya.

Sa ngayon ay may bago siyang show, ang “Bida Star Versus” na mapapanood na ngayong Lunes Setyembre 5, with her-hosts na sina Benedix Ramos at Karina Bautista na mapapanood sa Facebook page at Kumu account ng ABS-CBN Star Hunt.

Ayon kay Anji ang mga napili sa auditions ay kailangang magpakitang-gilas sa kanilang mga talent.

“There’s an ABS-CBN management contract, P50,000, a Star Magic workshop scholarship, and guestings on the highest viewed shows on ABS-CBN and a chance to have a project with PIE channel,” sabi ng dalaga.

Naibahagi rin ni Anji na noong nagsimula siya sa Kumu ay sobrang baba ng number of viewers niya.

“I started din at Kumu. I remember yung viewers ko hindi na tataas sa 10. Nasa 10 lang talaga yung viewers ko when I remember. Now kasi ang dami mong puwedeng gawin to make your dreams possible because we are already given this platform. We have all the digital platforms like kumu and YouTube that are there and we could maximize. I think this is the chance din for our hopeful dreamers, for our Star mates na to use this chance na to make their dream happen,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial