2 rapists kinagat ni nene

September 6, 2022

Buong tapang na lumaban sa pamamagitan ng pangangagat ang isang 14 anyos na babae nang kaladkalarin siya ng dalawang kalalakihan muntik nang lumuray sa kanyang pagkababae sa isang ilog sa Bustos, Bulacan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jeffrey Ramos 34, binata, construction worker habang nakatakas naman ang kasamahang si William Jimenez, residente ng Brgy. Cambaog.

Sa ulat ng Bustos Police Station, ay alas – 8:00 pasado ng gabi nang mangyari ang insidente sa tabing-ilog sa nasabing lugar.

Naglalakad umano noon ang biktimang itinago sa pangalang Shera, nang bigla na lamang siyang dambahin ng dalawang manyakis saka sapilitang binitbit sa tabing ilog.

Agad na pinagwawasak ng mga suspek ang damit ng biktima ngunit bago pa man tuluyang magahasa ay nagawang kagatin ng biktima sa kani-kanilang mga braso ang dalawa.

Nang makakuha ng pagkakataon ay mabilis na tumakas ang biktima kahit pa wala ng saplot, agad siyang nagsumbong sa kanyang amain na siya namang humingi ng saklolo sa pulisya na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa isa mga suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 habang tinutugis pa ang nakatakas na kasabwat nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial