Nakakabahalang pagtaas

By TDT

September 5, 2022

Nakababahala ang nangyayaring pagtaas na naman ng mga naitatalang inisidente ng rape sa bansa at ayon sa datos ng pulisya, sa Davao City ay nasa mahigit kalahati sa 100 ang mga naisampang kaso ng rape sa lungsod na ito mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay kinasasangkutan ng mga menor de edad na biktima.

Dagdag nito, 68 sa mga kaso ay may mga biktimang nasa edad 12 hanggang 17 at sa mga complainants naman, 91 ang mga babae, habang siyam ang lalaki.

Hinggil naman sa mga suspek, 40 ang naaresto na at 60 naman ang pinaghahanap pa.

Ayon sa taga-pagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), nagsasagawa na ng lectures ang mga awtoridad para sa mga mag-aaral hanggang high school tungkol sa “safe and unsafe touch”.

Ang mga lectures na ito ay naglalayong magbigay ng babala sa mga mga bata sa mga posibleng krimen gaya ng panggagahasa at anumang pang-aabuso.

Pumirma ng kasunduan ang city government at Department of Education upang isali ang gender-related crimes tulad ng sexual abuse sa ituturo sa mga estudyante para madagdagan ang kaalaman nila ukol dito.

Maraming barangay rin ang dumudulog sa Integrated Gender and Development Division (IGDD), para makapagsagawa ng lecture sa gender-sensitivity sa mga lalaki.

Dagdag ng DCPO, iniimbestigahan na rin ngayong ang mga nagpapakalat, nagbebenta, at bumibili ng mga malalaswang larawan at video online.

Hindi maikakaila na ang mga krimen ay nananatiling problema pa rin ng bansa at patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pamahalaan ng mga hakbang upang masolusyunan ang problemang ito.

Sana lamang ay matugunan na ng pamahalaan at ng ating kapulisan ang mga ganitong klaseng problema, dahil hindi na biro ang hinaharap ng ating mga kababayan lalo na at narian pa rin ang banta ng pandemya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial