Mga fans ng KDLex, DonBelle pumalag

September 5, 2022

Hindi pinalampas ng mga tagasuporta ng loveteams nina KD Estrada and Alexa Ilacad at Donny Pangilinan and Belle Mariano ang mga lumabas na balitang may namumuong awayan sa pagitan nila.

Nitong nakaraan kasi ay may lumabas na headline na umano’y magsasabong ang mga loveteam sa ABS-CBN ball, kaya naman agad-agad ang reaction ng KDLex at DonBelle fans. Naimbiyerna talaga sila sa headline.

“Nako buti ang KDLEX fans pinagtatanggol ang dalawang LT yung isa kasi nanggagatong pa at ayaw itabi ang kdlex sa DB kasi nga matagal na sila at ano daw ba habol ng kdlex sa isa….like duhhh wtf di nalang pwede na ipagtanggol ang dalawa….kudos sa KDLEX dans.”

“Wala pong awayan ang #DonBelle at #KDLex magkakatabi pa nga sweethearts and bubblies sa Star Magic Tour nila sa US. Napaka friendly both fandoms.”

“They are both friends and they love and support each other specially Lex and Belle, so all of us is no no no to fanwar, both of them are good and they just doing their job to make all of us happy. So support na lang natin ang bawat fandom, although I am more in love with KDLEX because of their uniqueness and genuine gesture.”

“Matagal nang mag kaibigan Sina Alexa at belle..pero c abante pilit pinagsabong ang magkaibigan at yon ay hindi Tama. I’m proud na parte aq SA sweethearts fandom.”

“Yes yan ang mga batang may breeding Love you DonBelle and thank you KdLex for the friendship with DonBelle.”

“Kaluka pinagsasabong mo yan eh mag magkaibigan nman yang dalawang loveteam n yan.”

Tila ipingtanggol naman ng isang fan ang tabloid, saying, “Geez, di naman dapat ika react yan, ganyan talaga mga tabloids, they need to exaggerate their caption to catch attention. Wag kasi magmarunong.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial