Malasakit sa mga kababaihan at senior citizens

Bago pa man mahalal bilang kinatawan ng unang distrito ng Marikina City ay kinausap muna ni Congresswoman Marjorie Ann “Maan” Teodoro ang kanyang mister na si Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na nais nyang i-revive at ipagpatuloy ang “Buntis Congress” para tulungan ang mga indigent pregnant women sa lungsod na walang sapat na financial capacity para sa kanilang panganganak.

Ang nasabing programa ay pinasimulan umano ni Mayor Marcy noong sya’y congressman pa ng Marikina. Pero sa ngayon, hindi lamang sasagutin ng lokal na pamahalaan at ng kanyang opisina ang panganganak pati na rin ang pagmo-monitor sa kalusugan ng mga ina habang sila ay nagbubuntis pa.

Muling inilunsad ang nasabing programa katuwang ang City Health Office kung saan maaaring gamitin ang kanilang pasilidad. Pati pagpapa-ultrasound sa mga buntis sagot na rin ng lokal na pamahalaan at ng opisina ni Congresswoman Maan. Iba talaga nagagawa kung magkakampi ang mayor at ang congressman.

Sinabi din ng lady lawmaker na kanya umanong i-integrate ang newborn screening sa programang ito kung saan imo-monitor nila ang health conditions ng mga sanggol. Kasama rin sa programang ito ang pagbibigay ng primary vaccinations sa mga newborn babies.

Bukod sa free consultations, nagbibigay din ng libreng check-ups at vaccinations ang nasabing programa. Layunin ng programang ito na gabayan at turuan ang mga pregnant women ng lungsod patungkol sa family planning, prenatal care, breastfeeding, at reproductive health.

Isinusulong din ni Congresswoman Maan yung expanded universal social pension kung saan lahat umano ng mga senior citizens sa bansa ang makikinabang dito, mayaman man o mahirap.

May isa pa umano syang inihain na panukalang batas sa kongreso para sa mga elderly na naglalayong maprotektahan ang mga matatanda sa anumang uri ng karahasan.

“Kasi may nangyayaring ganon although sometimes dahil kumbaga yung violence inflicted by a relative ang nangyayari hindi na nare-report,” ani Congresswoman Maan.

“Kunwari yun elder violence na pala yun against him or her at least nya alam nya mairereport nya,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa sa lady lawmaker, isa sa mga unang binigyan ni Mayor Marcy ng pagkakataon na magpabakuna against Covid-19 ang mga senior citizens sa lungsod.

Pinag-aaralan din anya ng lokal na pamahalaan kung kakayanin ba nito ang pagpapatayo at pagme-maintain ng isang elderly home.

“Yun ang pinag-aaralan namin kasi baka hindi kayanin ng local government yun funding nun. Pero meron din akong bill na pinag-aaralan na medyo yun ganong side pero yun nga tatanungin muna namin yung mga stakeholders kung sino apektado at kung kakayanin ba natin,” ani Congresswoman Maan. “Titingnan din natin ang posibleng pakikipag-partner sa private sector.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial