Julia Barretto, may comparison sa pelikula

September 5, 2022

Nagkaroon pala ng comparison ang pelikula ng aktres na si Julia Barretto na “Expensive Candy” at ang Pretty Woman ni Julia Roberts.

Sinabi ni Julia na ang ang “Expensive Candy” na ang pinakamatapang, pinakapalaban at pinaka-daring na pelikulang nagawa niya sa buong history ng kanyang showbiz career, ay may pagkakahawig nga raw sa 1990 blockbuster romantic comedy film nina Julia Roberts at Richard Gere na “Pretty Woman.

“Yung Pretty Woman, it’s more than just… ano rin yung hiningi kay Julia Roberts. It’s also the love story that napanood natin so I always wanted to tackle a story na talagang isinu-showcase yung romance in that angle. I feel like kapag mina-manifest mo talaga yung isang bagay, ibibigay sa ‘yo ng Diyos so parang na-attract ko siya,” saad ni Julia.

Dagdag pa niya, may basbas ang kanyang pagganap mula sa kanyang nanay na si Marjorie Barretto ang pagganap niya bilang sexy dancer at sex worker sa “Expensive Candy.

Nagustuhan daw kasi ni Marjorie ang “Between Maybes” na pinagbidahan ni Julia kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson na ipinalabas noong 2019 na isinulat at idinirek din ni Jason Paul Laxamana.

Ikinuwento rin daw ni Julia ang tema at konsepto ng “Expensive Candy” kay Marjorie, “Nag-usap kami and she gave me the go signal.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial