Janella Salvador, single na uli

September 5, 2022

Inamin ng aktres na si Janella Salvador na isa na siya ngayong single mom at iyon na ang kanyang naging sagot sa matagal nang nababalita tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor na si Markus Paterson, ang tatay ng anak niyang si Jude.

Sabi ng aktres, proud na proud siya sa kanyang sarili bilang isang single working mother kasabay ng pagpuri sa nanay niyang singer-actress na si Janine Desiderio na mag-isa rin siyang binuhay at pinalaki pati na ang kanyang mga kapatid.

Dagdag pa niya, may pagkakahawig sa buhay niya ang karakter na ginagampanan niya sa hit TV series na Mars Ravelo’s Darna bilang si Regina at Valentina.

“I actually portray two characters. Si Valentina, she’s the monster. The alter ego is Regina, she’s the human form. Si Valentina, she’s a monster, she’s fierce, she’s scary. Si Regina, she’s a lawyer and vlogger. She’s very intelligent and her heart is in the right place. She fights for justice,” sabi ni Janella.

“Kasi si Regina, kapag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga,” dagdag niya.

Ayon sa kanya, magkapareho sila ni Regina na lumalaban para sa katotohanan at naninindigan sa kanyang pinaniniwalaan at ang huli raw niyang ipinaglaban sa tunay na buhay ay ang pagiging single mom.

“Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” sabi ni Janella.

“Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya. She was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial