Hubad na bangkay natagpuan sa Baguio

Walang saplot, nakabusal ng duct tape ang bibig, nakatali ang mga kamay at may sinturon sa kanyang leeg–ganito ang karumal-dumal na sinapit ng isang waitress sa kamay ng umano’y gumahasa at pumatay sa kanya, na natagpuan noong Martes sa Baguio.

Alas-6:45 am nang natagpuan ang labi ng biktimang si Juliet Bajar Hesim, 22, na taga-Angeles City, Pampanga, sa garahe ng isang compound na pag-aari ng isang Rodrigo Magsino Jr. (86) sa Alfonso Tabora, Trancoville.

Napag-alaman mula kay Camdas station commander Police Major Manuel Canipas Jr., ay noong Agosto 27, nang lumuwas ang biktima sa lungsod para magtrabaho sa isang bar sa kahabaan ng Marcos Highway ngunit hindi pa malinaw kung kailan siya huling nakitang buhay at saan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin kung sino ang nasa likod ng krimen at posibleng motibo nito.

Samantala ay kumalat naman sa social media ang larawan ng biktima nang matagpuan itong patay, panawagan naman ng pamahalaang lungsod na a mga na itigil ang pagpapakalat ng mga hubad na larawan ng biktima bilang respeto.

Ayon sa kapulisan ay maaaring panagutin ang sino man na magpapatuloy na magpakalat ng mga sensitibong larawan sa social media at makakasuhan ang mga ito sa paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code on “Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions” penalized with prison terms.

 

 

cherkiecherry🍒


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial