HOUSING PROJECTS, PINAG-UUSAPAN

September 5, 2022

Nitong nakaraan ay nakipagpulong na ang Department of Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang tugon sa housing backlog na nasa higit 6.5 million.

Ang housing ang isa sa mga priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mayorya ng 3.7 million na informal settler families (ISF) sa bansa ay nasa Metro Manila.

Ayon pa kay Acuzar, nasa 500,000 umano sa mga ISF ang hindi maganda ang kondisyon habang nasa slum area, may riles ng tren, tabi ng ilog, estero, at iba pang high risk na lugar.

Sinabi ng DHSUD secretary na naging positibo naman ang tugon at buo ang suporta ng mga alkalde sa mga pinaplanong hakbang ng ahensya para sa pangmatagalang tagumpay ng housing program, na maari din aniyang makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Gusto rin ng ahensya na magkaroon ng partisipasyon ang private developers at financial institutions para sa mas agresibo at mabilis na housing production.

Magpapatuloy ang dayalogo ng DHSUD sa mga opisyal ng Metro Manila sa mga susunod na araw para plantsahin ang housing program.

Ayon pa kay Acuzar, ang mahalaga ay ang pakikipagtulungan ng mga LGU para matugunan o tuluyan nang tuldukan ang mga problema sa housing sector.

Kung matatandaan, napag-usapan na nina Pangulong Marcos ang food security issues at affordable housing.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, napag-usapan ang panukalang “Pambansang Pabahay.”

“Hindi pa po kami nagri-release ng mga detalye na ito sapagkat kanina po ay pagkakataon para i-discuss yung mga proposals na ito. So may mga revisions at saka refinements,” saad ni Angeles.

“Iri-release namin yung mga plano at the convenience of the departments involved,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial