Catriona Gray, sang-ayon sa pagsali ng married women sa beucon

Inihayag ng TV host at Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na pabor siya sa balitang maaari nang sumali sa Miss Universe pageant ang mga babaeng kasal o nanay na.

Naniniwala ang dalaga na ito ay isang “step towards inclusivity” sa nasabing international pageant sakaling totoo ngang papayagan nang sumali ang mga may asawa’t anak na.

“I think it’s really timely to allow women in whatever capacity to go after the dream of being a Miss Universe. I’ve always believed that it’s a platform to represent something — we go out there not as a desirable image, but to have a voice and to be able to amplify that,” sabi ni Catriona.

“And why should being married or being a mother limit women from being able to do that, being a spokesperson?” dagdag pa niya.

Pero giit niya, sigurado umanong magiging malaking challenge para sa isang pamilyadong kandidata kung siya ang tatanghaling Miss Universe.

“However, I do see that it would be difficult for a young mother with young children to balance the responsibility, the schedule that comes with being a Miss Universe. I’ve done it for a year and it’s a grueling schedule. It pulls you to different corners of the world and you don’t really have a say where your schedule takes you,” sabi ni Catriona.

“So I think in that aspect, it would be quite difficult to balance. But hopefully, with that opening up of those inclusive measures at Miss Universe, they’d hopefully give either guidelines or things to protect interests of women and allow her to be with her family and also to her responsibilities as a Miss Universe,” dagdag pa niya.

Matatandaang naglabasan ang ulat tungkol sa announcement ng Miss Universe organization na papayagan na nila ang mga “single mothers, pregnant, married, or divorced” na sumali sa naturang international pageant.

Ayon sa official Instagram account ng national director ng Miss Universe Dominican Republic na si Magali Febles, magsisimula nang tumanggap ang Miss Universe Organization ng mga aplikante kahit na ang mga ito’y kasal at nanay na para sa 72nd season ng pageant season next year.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring official statement ang Miss Universe Organization hinggil dito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial