Kylie Verzosa, ready na uli sa relasyon?

Matapos ang ilang panahon, nananatiling tahimik ang aktres at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa kanilang breakup ng dating nobyong si Jake Cuenca.

Ayon sa dalaga, nasa proseso pa siya ng pagmo-move on at hiling niya ay magtuluy-tuloy na ito.

“It’s doing much better, happy ako. Sana tuluy-tuloy. Di ko masasabi na 100 percent naka-move on, pero getting there, sana,” saad ni Kylie sa isang online interview.

Siniguro muli ni Kylie na wala siyang sama ng loob sa ex-boyfriend, pero aminado siyang hanggang ngayon ay di pa rin sila nakakapag-usap at sa ngayon, hindi nagmamadali si Kylie na pumasok sa panibagong relasyon.

“Hindi ako ready for a relationship, pero open ako na makipag-meet with other people. But so far wala pa naman akong nami-meet. In-allow ko na rin ang sarili ko na siguro puwede na akong makipagkita sa ibang tao,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa niya, marami rin siyang natutunan sa kanyang naging karanasan.

“Siguro always put yourself first and always leave a bit for yourself,” sabi niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial