Julia Barretto, pinayagan sa daring role

September 4, 2022

Pinayagan pala ang aktres na si Julia Barretto ng kanyang ina at mga kapatid sa desisyon niyang tanggapin ang project na “Expensive Candy” dahil nagustuhan umano nila ang Between Maybes, ang pelikulang pinagbidahan ng aktres at ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson noong 2019 na mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Bago napasakamay ni Julia ang script ng Expensive Candy, sinabi muna niya ang kuwento ng pelikula sa kanyang nanay na si Marjorie Barretto, na agad namang pumayag.

“Nag-usap kami and she gave me the go signal. Actually, everybody was really excited from the very beginning and, like I said, they really loved Between Maybes at yung naging collaboration namin ni Direk JP. In fact, they’re all gonna be in the premiere night. Sila ang unang manonood,” sabi ng dalaga

Ipinagmamalaki ng aktres ang Expensive Candy, na ikinukumpara sa Pretty Woman, ang 1990 blockbuster romantic comedy film nina Julia Roberts at Richard Gere.

“Yung Pretty Woman, it’s more than just… ano rin yung hiningi kay Julia Roberts. It’s also the love story that napanood natin so I always wanted to tackle a story na talagang isinu-showcase yung romance in that angle. I feel like kapag mina-manifest mo talaga yung isang bagay, ibibigay sa ‘yo ng Diyos so parang na-attract ko siya,” saad ni Julia.

Mapapanood ang Expensive Candy sa mga sinehan simula sa September 14. Ito ang pangalawang pelikula ng Viva Films na magkakaroon ng theatrical release sa panahon ng pandemya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial