Heart Evangelista, may pinagdadaanan

September 4, 2022

Inihayag na ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na talagang may pinagdaraanan ito sa kanyang personal na buhay lately at sa kanyang pinakahuling vlog, nagkuwento ang actress-vlogger patungkol sa nangyayari sa kanyang buhay.

“How’s life? You know I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me. I’m not gonna lie, I’ve been through a lot of personal stuff in my mind but you know at the end of the day I’m still very grateful and as long as there is life, there’s hope,” saad niya sa kanyang vlog.

Mukhang malalim ang pinagdaraanan ni Heart base sa kanyang mga pahayag sa kanyang vlog ngunit sinabi niyang pinipilit niyang maging positibo pa rin sa buhay, pero wala naman siyang nabanggit na specifcs sa kanyang pinagdaraanan ngunit mukhang malalim ito base sa kanyang mga ibinabahagi sa kanyang vlog.

“I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… I feel a lot of pressure in my life. Basically now, I’m really in search of just being happy,” sabi ni Heart.

Batid niyang kaya siya nagtatrabaho ay para makabili ng mga bagay na gusto niya ngunit na-realize niya na mas mahalaga pa rin ang mga simpleng bagay sa buhay.

“It’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy, and that’s where I’m at now,” kuwento ng aktres. “Just really appreciating all the small moments and Panda, Shuti, all the love that I feel.”

Dagdag pa niya, noon pa man ay inspired na siya sa mga taong driven at workaholic gaya niya at mataas ang kanyang respeto sa mga ito.

“It feels good to be empowered and know that you can do things on your own no matter how hard certain situations in your company, in your workplace, or the people around you, or what weighs you down. At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life, and not rely on anyone that matters,” pagbabahagi pa ni Heart.

Matatandaang may mga chikang naglabasan kamakailan patungkol sa diumano’y pinagdaraanan nilang mag-asawa dahil sa pagtanggal nito ng apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram name.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial