Ellen Adarna, timeout pa rin sa showbiz

Aminado ang aktres na si Ellen Adarna na hindi pa rin siya babalik sa mundo ng showbiz habang hindi pa umano seven years old ang anak niyang si Elias.

Kamakailan ay naging endorser si Ellen ng Rana Pharmaceutical product na Xmeal at doon ay natanong siya kung balak na niyang bumalik sa pag-akting sa TV o pelikula.

“No, not yet. I made a promise to myself na tutok muna ako kay Elias until he is seven,” sabi ni Ellen.

Apat na taong gulang pa lamang si Elias, na anak nina Ellen at John Lloyd Cruz.

Mahirap para kay Ellen na mag-lock in taping at mawalay sa pamilya nang humigit-kumulang isang buwan.

Ayon sa kanya, hindi niya nami-miss ni Ellen ang pag-aartista. If ever, matagal pa bago pagtuunan niya muli ito ng pansin.

“At saka iba na, di ba? I want to be with my son. Kasi, magkatabi kaming matulog. He sleeps with us. So, hindi pa ako ready,” sabi ni Ellen.

Kuwento pa ng aktres, may oras na rin siya ngayon kahit paano para sa sarili.

“I just want to be alone in the bathroom. I meditate a lot. For now, yun lang ang kaya kong i-me time. Hindi pa ako pwedeng magbakasyon. Hanggang banyo lang ang me time ko na wala, walang mang-iistorbo sa akin.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial