Ayanna Misola, nadala sa sizzling scene

September 4, 2022

Inamin ng sexy actress na si Ayanna Misola na nadala siya sa isang eksena nila ng kapareha niyang si Gab Lagman sa pelikulang “Bula” na offering ng Vivamax.

At dahil umano na-carried away siya sa eksena, may nagawa umano siyang ikinagulat niya kaya naman nag-sorry agad siya sa kanyang kapareha.

Nang kunan kasi ang kanilang love scene, hinubad ni Ayanna ang underwear na suot ni Gab dahil ayon sa kanya, parang natangay siya sa eksena na ginawa nila at nang matapos kunan ang kanilang intimate scene, saka lamang nalaman ni Ayanna na limitado ang pagpapakita ni Gab ng hubad na katawan sa harap ng kamera.

“Super professional po si Gab. I think, ang memorable scene ko po with him is yung ending scene. Pero ang talagang pinaka-memorable po na nangyari sa amin was accidentally, nahubad ko pa ang brief niya sa first intimate scene na ginawa namin,” sabi ni Ayanna sa isang panayam.

“Sinabi naman ni Gab ang limitations niya. Hindi ko alam kung nadala ba ako sa scene namin, tinanggal ko ang brief niya. Siyempre, ganoon ang alam ko na love scene. First time ko na maka-work si Gab so natanggal ko yung ‘limitation’ niya pero hindi naman siya nagreklamo. Nagulat na lang ako after nang malaman ko na limitasyon pala niya iyon maghubad ng underwear,” dagdag pa niya.

Imbes na ipahinto ang shooting dahil hinubad ni Ayanna ang underwear niya, ipinagpatuloy ni Gab ang eksena para hindi maantala ang trabaho nila.

May “saltik” ang pagsasalarawan ni Ayanna sa karakter nito sa Bula na magugustuhan umano ng Vivamax viewers, dahil kakaiba sa lahat ng mga papel na kanyang ginampanan sa mga nakaraang pelikula niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial