Teenager nanghalay ng paslit

September 3, 2022

Arestado ang isang teenager dahil sa panggagahasa umano ng isang batang babae sa Zamboanga City, ayon sa PNP nitong Biyernes.

Kinilala ni PCol. John Francis Encinareal, Criminal Investigation and Detection Group-Zamboanga Peninsula director, ang suspek na si Reyniel Macaranas, 18, ng Zamboanga City.

Ayon kay Encinareal, naaresto si Macaranas sa bisa ng warrant of arrest bandang 10:50 ng umaga noong Huwebes sa Purok 7, Zambowood village, Zamboanga City.

Si Macaranas ay sinampahan ng kaso ng tiyahin ng batang babae na umano’y kanyang pinagsamantalahan, may standing warrant of arrest ito para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial