Rose Van Ginkel, may pagka-naughty

September 3, 2022

Aminado ang sexy actress na si Rose Van Ginkel na may pagkakataong nagiging naughty siya lalo na kapag nasa shooting siya.

At sa kanyang pinakabagong pelikulang “5 in 1”, talagang lumabas ang pagka-naughty ng dalaga.

Sa isang mediacon, naikuwento ni Rose ang isang pangyayari sa shooting na may kaugnayan sa kanyang co-star na si Wilbert Ross.

Kuwento niya, hindi sinasadyang natuhod niya ang “family jewels” ni Wilbert na naging dahilan nang pagkaantala ng shooting.

“Natatawa ako kasi on set… natatawa ako dito sa nangyari kasi ’yong suot ko mahabang skirt and gusto ko sanang talunan si Wilbert. Pero ang nangyari, hindi ko agad na-open ’yong legs ko so half lang. So, ang nangyari nadaganan ’yong ano n’ya…” kuwento ni Rose.

Napahalakhak na lang si Rose nang maalala ang pangyayari habang seryoso naman ang mukha ni Wilbert. Hindi nagtagal ay napangiti na lang din ang aktor.

Dahil doon ay nahinto daw ang shooting nila. Kung iisipin kasi, base sa naging seryosong facial expression ni Wilbert, ay mukhang namilipit ito sa sakit.

Nilinaw naman ng aktres na masaya s’ya na nagkaroon sila ng bagong movie ni Wilbert. Maganda daw kasi ang naging working relationship nila sa pinagbidahan nilang pelikula na Boy Bastos.

“Happy ako na nagka-work na uli kami ni Wilbert kasi, ’yon nga, na-miss ko rin ’yong tandem namin. So, nu’ng in-offer din ’to sa ’kin parang na-excite din ako at natuwa. At s’yempre, maka-work din si Direk GB [Sampedro],” sabi ni Rose.

Mapanood sina Rose at Wilbert, kasama sina Debbie Garcia, Angela Morena, Jela Cuenca, Ava Mendez, Pio Balbuena, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, Chad Kinis, and Giselle Sanchez, sa sexy-comedy movie na 5 in 1 simula September 23 sa Vivamax.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial