Rapist ng 4 guro sa CamSur, isinunod estudyante

Positibong kinilala ng apat na public elementary school teachers ang lalaking wanted sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur, ang siya rin umanong nagnakaw at umabuso sa kanila sa paaralan sa bayan ng Ocampo noong 9 Agosto.

Ayon kay PCapt. Rosalinda Moises, kinilala ang suspek si Enrique Algaba, isang gwardiya sa Maynila, na umuwi sa Brgy. Turague, Sagñay matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na tinutugis si Algaba dahil ito rin umano ang humalay sa dalawang babaeng estudyante sa Sagñay na edad 17 at 21 anyos.

Hindi na nagbigay ng ibang detalye tungkol dito ang pulisya, ngunit kinumpirma niyang magkasabay na inabuso ang mga biktima, na tila kapareho ng istilo na ginawa ng suspek sa mga guro.

May mga warrant of arrest na umano laban sa suspek para sa patong-patong na kasong rape at robbery nito sa Sagñay at Ocampo.
Kinukumpirma pa ng pulisya kung sangkot sa ilegal na droga ang suspek.

Para sa agarang pagkakadakip sa suspek ay humihingi ang pulisya ng tulong sa publiko dahil sa talaga umanong madulas ang suspek.
Base sa social media post ng Sagñay Police, sa sino mang may impormasyon, kung saan ngayon naglalagi si Enrique Algaba, ay maaring makipag-ugnayan sa kanilanv himpilan o di kaya’y tumawag sa numerong 0998-5985-997.

Nagbigay paalala din ang pulisya sa lahat na dahil delikado umano ang suspek dahil at armado umano ito ng .38 caliber revolver.
Magbibigay umano ng P50,000 pabuya si Sagñay Mayor Jovi Fuentebella sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong para madakip na ang suspek.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial