Kylie Padilla, thankful

Hindi napigilan ng aktres na si Kylie Padilla ang mapaiyak ngayong nagtapos na ang kanyang teleserye na Bolera at sinabing talagang nagpapasalamat siya sa natanggap na project.

Inalala ng dalaga ang kanyang naging journey sa seryeng naging comeback vehicle niya sa telebisyon.

“Actually, noong binigay pa lang sa akin ang project, masaya na ‘ko, e. I’m really excited and grateful. Tapos, itong mainit na pagtanggap ng mga tao, it’s just the reward after. Sobrang hindi ko ma-express ’yung happiness ko dahil siyempre, ang tagal kong nawala. May uncertainties sa side ko na, ‘Oh my gosh, papanoorin pa ba?’ I’m really thankful sa GMA and everybody kasi inalagaan talaga nila ’ko and they made sure na maganda ang come-back show ko. I’m really, really happy,” sabi ni Kylie.

Maganda raw talaga ang naging samahan nilang lahat nang mag-lock-in taping sila ng Bolera cast. Kabilang sa cast sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Verzosa, at Ms. Jaclyn Jose.

Kaya mami-miss daw ni Kylie ang lahat ngayong magtatapos na nga sila.

“Lahat, lahat mami-miss ko. Cast and crew, naging family po kami. Ngayon pa lang, miss na namin ang isa’t-isa. Wala ng mga ganito (Zoom), magkikita na lang siguro kapag sa ibang work,” sabi ng dalaga.

Samantala, magaganda naman ang mga binitiwang salita ni Jaclyn tungkol kay Kylie. At si Kylie rin, talagang abot-abot din ang pasasalamat sa actress.

“Marami akong gustong sabihin, pero siguro ang sasabihin ko na lang, ako kasi, bilang tao, introvert ako. Pero ang naa-appreciate ko talaga kay Tita Jane, she really connected with me on a deeper level—agad!” saad ni Kylie.

“Hindi lang naman ‘yon makakatulong sa eksena s’yempre, sa work but she really helped me as a person din. Kasi, bilang nanay kaming dalawa, ang dami kong natutunan sa kanya,” dagdag niya.

Na-teary-eyed na si Kylie habang nagsasalita tungkol sa gumanap niyang ina sa Bolera.

“Sobrang nakakataba ng puso but importante sa akin ‘yong nag-connect kami bilang tao and we connected as people. Parang may understanding lang kami na, you know…sobrang saya niyang kasama,” sabi pa ni Kylie.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial