Jillian Ward, gaganap na doktor

Jillian Ward, gaganap na doktor

Gaganap bilang isang surgeon ang young actress na si Jillian Ward sa upcoming na teleserye na Abot-Kamay na Pangarap.

Ayon sa dalaga, talagang naging pangarap niyang maging doktor noon, pero naisip niya na sobrang hirap ng propesyon na nais niyang pasukin.

"Naaalala ko po, mga five years old po yata ako, tinatanong po nila anong gusto ko maging. Sinasabi ko daw po doktor, at saka po artista, at saka singer po talaga. Ayon po, tatlo," sabi ni Jillian.

"Pero sa ngayon po, dahil sa character kong ito, masasabi ko pong napakahirap maging doktor. Ito po, role pa lang, ang hirap na po mag-memorize ng mga medical terms. What more 'yong mga nasa medical field po talaga," dagdag pa niya.

Ganu'n pa man, masaya at nagpapasalamat daw s'ya na nabigyan s'ya ng pagkakataon na bumida sa isang teleserye na related sa medicine.

"Una po sa lahat, super challenging po talaga ng role na binigay sa akin and sobrang saya ko po sa mga makaka-work ko po ngayon na puro veteran actors. Lahat po magagaling. Sobrang saya ko po ngayon dahil binigyan po ako ng ganitong opportunity po ng GMA. Sana po talaga magustuhan ng mga tao," sabi ng dalaga.

Inamin n'ya rin na kabado s'ya sa seryeng ito dahil madalas mag-viral online ang mga video clips sa emergency room ng ilang medical drama series dahil sa mga maling ginagawa ng mga aktor sa eksena.

"Sa totoo lang po, kinakabahan po ako. Dahil nga po, tulad ng sabi ni Direk LA Madridejos, kapag po medical shows palagi pong napupuna. Minsan po ako na mismo ang nagsasabi, 'Tama ba po ba ito?'

Ganyan, ganyan… Pinapaulit-ulit ko… So may kaba po pero super grateful po ako kaya super excited po ako," sabi ni Jillian.

Mapapanood ang Abot-Kamay na Pangarap simula ngayong September 5 sa GMA Afternoon Prime.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph