Magkakaroon ng Makati Lingkod Bayan ang Lungsod ng Makati base na rin sa anunsiyo ng tanggapan ni Makati City Mayor Abby Binay kung saan magbibigay ng libreng health services at civil registration services sa Makatizens.
Ito ay napag-alaman na gagawin sa 3 September 2022 kung saan ang sabi ng Office of the Mayor @URSERBIS ay gaganapin sa Barangay East Rembo Elementary School (ERES) sa Distrito 2 kung saan si Congressman Luis "IRONMAN" Campos ang kinatawan.
Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tangghali o limang oras ang nabanggit na caravan na nation naman na Sabado gaganapin kaya hinihikayat ang mga residente ng Barangay East Rembo na nasa pamumuno ni Kapitana Thelma P. Ramirez na pumunta at makilahok sa ibibigay na serbisyo ng mga tauhan ng city hall.
Aba, sa nabasa natin na sa health services ay magbibigay ito ng blood typing, ECG (heart Screening), FBS (Blood Sugar Screening), Free Medicine (Plant Drugstor), Medical at X-Ray.
Sa Social Welfare Services naman ay ang magproseso ng yellow card (health card ng mga residente), white card, blue card, solo parent ID at iba pa.
Ang Civil Registration Services naman ay late registration (birth) at birth certificate authentication at iba pa.
Kasama rin sa other services ang pet vaccination and microchipping (sosyal ha), legal aid, job fair, PAG-IBIG Fund, OFW Help Desk, Barangay Clearance, Meralco, Maynilad at Manila Water.
O di ba? Oba talaga ang Makati City pagdating sa serbisyong kanilang ibinibigay sa kanilang Makatizen. Kumbaga andiyan na lahat at ang sabi nga kung ang iyong anak ay hindi nag-aaral ay kasalanan na ito ng magulang dahil libre rin ang sapatos, bag, notebook at ang planong libreng baon sa mga kabataan.
Nariyan din sa Makati City ang University of Makati (UMAK) kung saan napakababa ng tuition fee at ang mga propesor at propesora ay magagaling.
Kaya naman ang ilang mga siyudad o karamihan sa 17 cities and one municipality sa Metro Manila ay pilit na ginagaya ang mga serbisyong ibinibigay ng Makati City dahil kumbaga ang mga ito ay modelong gawain na dapat lamang pamarisan.
Ang lahat ng mga innovation na ito naman ay pinasimulan ng long time mayor at dating Vice President Jejomar Binay, ama ni Mayor Abby na siyang nagtuloy at nagdaragdag pa ng nararapat na programa para sa Makatizen.
IBA SILA SA MAKATI!!!