Liza Soberano, sasabak sa recording

Music career naman ang pagtutuunan ng pansin ng aktres na si Liza Soberano kung saan magiging recording artist na siya under Careless Music Manila, ang record ni James Reid na bagong manager ng aktres.

Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na may mga pinag-aaralan na siyang mga bagong kanta para sa pagsisimula ng kanyang recording career.

“I’m also going to be working on my music career early next year. I’ve been already listening to a bunch of demo songs that are both careless and transparent arts. My representatives in the states have been looking for, for me and I’m working on getting those collaborations locked in. Just building organic relationships with these artists and celebrities. And hopefully, in due time, I can share that all with you guys,” sabi ni Liza.

May mga humuhula na posibleng magkaroon ng collab ang dalaga sa ilang Korean hip-hop stars na si Jay Park ng GOT7, Bambam, DK ng IKON at Hoony ng WINNER kaya siya nagpunta ng South Korea kamakailan.

Habang nasa Korea ay natanggap din niya ang balitang makakasama siya sa Hollywood film na “Lisa Frankenstein.”

Bukod dito ay may nabuo rin kayang negosasyon sina Liza at James na nakitang kasama sina Bella Poarch at Bretman Rock nang magpunta sila sa Hawaii kamakailan?

Ang sabi naman ni Liza, “The whole point of me trying to network and meet all these amazing people is just to build these organic relationships with them so if they’re interested in working with me, it will be a natural and fun process for both parties.”

Dagdag pa niya, “Of course, being Filipino is a huge part of who I am and it is something that I’ll always be very proud about, but my priority now is really focusing on acting and honing my talent and skills, in hopes that people will recognize me as a global actress and artist and will respect me for my craft.

“Then they’ll find out that I’m someone who really represents the Philippines as a Filipino who grew up there,” dagdag ng aktres.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial