KC Concepcion, nilinaw ang estado ng lovelife

September 2, 2022

Binasag na ng aktres na si KC Concepcion ang katahimikan kaugnay sa mga naglalabasang isyu na may relasyon sila ni Black Eyed Peas member at Fil-Am rapper/singer/producer na si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang si Apl de Ap.

Kung matatandaan, na-link si KC sa dating coach ng “The Voice” noong 2021 dahil nakikita silang magkasama sa ilang events at mas lalo pang nagpatibay na may ‘something’ noong nag-Palawan sila para sa “Kitchen collab”.

Paglilinaw ni KC, talagang close lang sila ng Fil-Am rapper at wala umano silang relasyon.

“No, hindi kami. very close kami, I love the guy, I respect him, I admire him, I really… natatawa ako, like pinapatawa niya ako nang sobra-sobra, mabait siya sa akin. Hindi naman (nanliligaw), he’s very busy on tour as well,” sabi ni KC.

Isa pang klinaro ng aktres ay ang tsikang buntis siya.

“Guys, ang tagal n’yo nang isyu ‘yan ha? “I wish..I wish pero wala, ang daming beses ko ng supposedly buntis hindi talaga,” dagdag pa ng dalaga.

Hanggang ngayon ay single pa rin si KC.

“Dito sa States medyo mahirap mag-date minsan akala mo serious pero casual lang pala but of course I’m in my 30’s,” sabi niya.

Aminado rin ang dalaga na pangarap din niyang ikasal siya sa tamang panahon, “kasi kinasal ‘yung sister ko (Cloie Syquia) sa Sweden, naunahan pa ako ha, ha, ha, ha.”

Samantala, uuwi ng Pilipinas si KC next week para dumalo sa debut party ng kapatid niyang si Miel Cuneta Pangilinan na magdiriwang ngayong buwan.

Limang buwan namalagi si KC sa New York City, USA para sa entire shoot ng pelikula na isasali sa iba’t ibang film festivals sa US.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial