Ivana Alawi, sasabak sa MMFF

September 2, 2022

Ngayong nagluluwag na ang mga alert level restrictions, may tsansa nang makabalik ang mga tao sa sinehan.

Kaya ngayong Disyembre ay mukhang go na ang pagbabalik ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Isa umano sa mga magkakaroon ng entry ay sina Vice Ganda at Ivana Alawi para sa pelikulang “Partners In Crime” na ididirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia Molina.

First time kung sakali ang pagsabak ni Ivana sa isang MMFF movie kaya naman excited na ang lahat.

Ayon kay Direk Cathy, first time din niyang makakasama ang dalawa.

“Excited ako first time lahat. First time nandu’n excitement at the same time ‘di naman takot, alinlangan siguro, kasi hindi ko alam paano mag-work,” pahayag ni Direk Cathy. “Vice has been open to me na ‘Direk we are one team magtulungan tayo to give the audience the best movie.’”

“Exciting kasi mas kilala ako sa love story, si Vice comedy. So paano kami gagawa ng may loves tory and at the same time makakapag patawa at makakapag-entertain. Kasi, at the end of the day MMFF, all year long dream natin makapagpasaya especially MMFF and Christmas time,” dagdag pa niya.

Ngayon pa lang daw ay marami na ang nagsasabi na siguradong magna-number one sa filmfest ang kanilang entry.

“Ipokritang sabihin na ‘di namin gusto mag-number one. Alam natin magagaling ang ibang entries good competition kasi, makikinabang audience lahat ng viewers at nagpapagandahan ang pelikula.

Makikinabang ang mga nanonood kasi worth the money ang napanood nila kaya gusto namin mag number one mas importante nakapagpasaya kami sa manonood,” sabi ni Direk Cathy.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial