Hindi pa napapanahon

By TDT

September 2, 2022

Hindi naman kaila sa publiko na nariyan pa rin ang banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa lalo na ngayong naglalabasan na ang mga variants na sinasabing may nakakahawa pa.

Nariyan rin ang banta ng monkeypox kung saan sa huling tala ng Department of Health (DoH) ay mayroon nang apat na kaso ng virus sa bansa.

Dahil sa sitwasyon, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga minimum health and safety protocols sa bansa gaya nang pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at social distancing.

Nitong nakaraan naman, nagkaroon ng isyu kaugnay sa isang executive order na inilabas ni Cebu City Mayor Michael Rama kung saan nakasaad na hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask para sa publiko.

Ang nasabing EO ay nagdulot ng kalituhan ngayon dahil marami ang hindi sumasang-ayon sa pagpapatupad ng nasabing utos.

Nitong Huwebes, iginiit ng DoH na hindi pa napapanahon upang i-relax ang pagsusuot ng mask sa bansa dahil tumataas na umano ang mga severe at critical COVID-19 cases.

Ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, mababa pa rin umano ang booster uptake ng mga Pinoy at nagbabala rin siya na humihina na ang immunity ng publiko gaya nang naitala sa datos ng DoH kaugnay sa COVID-19 admissions ng mga fully vaccinated individuals.

“We are not closing our doors to lifting this kind of mandate for mask but this is not the proper time yet because we don’t have that stable situation for COVID-19 cases and even deaths,” saad ni Vergeire.

Dagdag pa niya, ang pagsusuot ng mask ay nakakapagpababa ng tsansa mahawa ng COVID-19 at mapoprotektahan pa rin ang mga senior citizens na siyang mas vulnerable sa nakamamatay na sakit.

“Our booster uptake is very low. Even in Cebu, the booster uptake is low. They only have 28 percent for first booster dose,” sabi ni Vergeire. “So, we are advising and we are recommending that this lifting of mask mandate be thoroughly discussed and studied.”

“The national government has issued Inter-Agency Task Force resolutions, which specifically states that the mask-wearing should still be continued,” dagdag pa niya.

Sang-ayon kami sa tinuran ng DoH, dahil hindi dapat ipagsawalang-bahala na mayroon pa ring pandemya.

Ayaw natin na magkaroon na naman ng surge, dahil siguradong maaapektuhan ang lahat.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial