Heaven Peralejo, may BF na?

September 2, 2022

How true na may mga kumakalat na balitang may karelasyon na ang aktres na si Heaven Peralejo?

May mga tsismis kasi na may boyfriend na daw ang dalaga sa katauhan ng aktor na si Jameson Blake.

Ayon naman sa mga beteranong showbiz columnists, hindi umano malayong magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil magkasama sila sa TV series na “The Family Affair.”

Hindi rin naman daw masama kung totoo ang balita dahil pareho namang single ang dalawa.

Kung matatandaan, una nang na-link ang dalaga kay Jimwell Pacquiao, sinundan ni Kiko Estrada, pangatlo kay Kimpoy Feliciano at ngayon kay Jameson nga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial